Sa direktiba po ng ating mahal na punong bayan, Kgg. Jose Ramil Arquiza, tumugon ang mga kawani ng lokal na pamahalaan para magpaabot ng tulong sa ating mga kababayang naapektuhan ng bagyong Paeng. Nagtungo sa iba’t ibang evacuation center ang mga kawani ng MDRRMO, MSWDO, BFP, CAFGU, at mga volunteer-responder upang mamahagi ng food packs sa ating mga evacuees. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang kanilang pagbisita sa iba’t ibang panig ng ating bayan upang suriin ang mga pinsalang idinulot ng pananalasa ng bagyo na magsisilbing datos para sa susunod na mga hakbangin na kailangang ipatupad. Pinapayuhan pa rin po ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at maging handa sa lahat ng oras.

Keep safe, Alabat. 🙏